Jane

Monday, September 15, 2008

gateway - Immaculate concepcion - home

Sunday - September 14, 2008

Nagkita kami ni "R" at gateway around 6pm. dahil late sya nabasa ko na ata lahat g libro sa fully booked (dun kasi kami magmeet).

we ate at Pizza hut bistro at gateway. treat nya daw sa akin para makabawi sya sa pagiging late nya.. (artist kasi si 'R" - photographer, painter etc. all things related to art ginagawa ata nya).

ayun during dinner napagusapan namin ata yung mga nangyari nung highschool pa kami. puro tawanan. mga nakakatawang bagay nung highschool, ung mga impression namin sa isat isa atbp.

after dinner nagsimba kami sa Immaculate concepcion sa my new york (cubao) before the mass start pinagtitinginan namin yung mga magbf na naghaharutan at ginagawan namin ng script hehehe..

pagkatapos ng mass dumaan kami dun sa malapit na gallery.. sayang kasi sarado.. hindi kami nakapasok.. kasamahan daw kasi nya yung featured artist dun..

hinatid nya ko sa bahay. syempre inalok ko sya pumasok sa bahay.. nagulat ako hindi tumanggi.. ayun napasubo tuloy ako (hehehe)... nakilala tuloy sya nina mami at dadi pati narin ng kapatid ko.. parang first time ko ata magpakilala sa bahay ng guy na alam nila na hindi ko namn kaibigan (or should i say masyadong ka close). Ayun ok naman.. umuwi sya ng mga 11pm. nagtext kami hanggang pag uwi nya.. hanggang dun lang.. wala pa kasunod.. kasi hindi ko pa din namn alam kung ano pa ang mangyayari.. hanggang sa muli.. salamat. =)

No comments: